Popular Posts

Tuesday, January 11, 2011

INTRO

ako si APOTEK, isang pharmacist... sa hirap ng pag aaral nung college sa hospital na madaming  singkit ang bagsak ko. hehehe... walang permanenteng rest day, shifting ang sked, di kalakihang sahod at kapag minalas malas pa ay sandamukal na konsumisyon ang ma-eencounter mo sa trabaho.

hanggang ngayon nagtataka pa rin ako bakit B.S. Pharmacy ang kinuha ko. (pinangangatawanan ko na lang siguro).

mula sa simpleng pamilya, lumaki ako sa probinsya kung saan halos lahat ng kalupaan ay bukirin. hahaha...
na-miss ko tuloy ang bahay namin dun (sampung taon na din kasi kami dito sa manila) naks!
panganay ako sa aming magkakapatid pero di halata sa itsura ko ha... hehehe, baby face daw ako...

medyo mapili ako sa pagkain, matakaw sa tulog, medyo fb adik... (nakikichismis)
mahilig ako manood ng sine lalo na kapag kasama crush ko, (landi)

sabi ng nanay ko mabilis daw ako magsalita, yung last word lang daw naiintindihan nya...
yung isa kong kapatid ang translator ko, kasi ayaw ko nang paulit ulit... nagtataka nga cya kung naiintindihan daw ba ng mga kasama ko sa work at pasyente ang mga sinasabi ko. kaya nagtataka ako kung ang mommy ko lang ba ang may deprencya sa pandinig, joke!

tahimik lang akong tao, kaya siguro gumawa nko ng sarili kong blog para dito ko nalang i kwento mga sikreto at pangyayari sa buhay ko. (INTROvert)

1 comment:

  1. tnk u for joining BNP! ur blog has been posted! u can also vote for ur fave blogs! d top 5 highest rated will be displayed n d Hall of Fame ;)

    you can also follow BNP at twitter.com/blogsngpinoy and facebook.com/blogsngpinoy

    ReplyDelete