Popular Posts

Thursday, January 13, 2011

LENGUA...


sa LENGUAheng kastila, isa itong dila.
napahamak kanaba sa katabilan ng iyong dila?
ako...? maraming beses na...
tahimik nga akong tao, pero kapag bumanat naman kinakatakutan. hehehehe...
minsan na naoofend ko na mga kasama ko sa work. kaya isang taos pusong Sorry nalang sa lahat ng nasugatan ng matalas kong dila.


LENGUA de gato, alam nyo ba na (Cat’s Tongue Cookies) pala ito sa english.
kaya pala lengua ang tawag sa paboritong biskwet na ito na madalas nabibili sa pasalubong stalls.
paborito ko din ito nung highschool ako madalas ko ito bilhin tuwing recess namin.
gustong gusto ko kapag kusa itong natutunaw sa bibig ko. (wid the help of my saliva) nyek! hehehe...

naging ugat din ito ng tampo ko sa fren ko na ka-office mate ko.
galing kasi siyang baguio, binigyan nya kami ng isang pack na lengua para sa lahat ng duty.(kuripot)
dat taym medyo inis na ako sa kanya kasi di na kami nagkakabonding.
feeling ko mas close na cya sa isa naming ka kasama sa work...
aminado naman ako nun, feeling kasi namin may pagtingin ang friend ko dun sa ka-close nyang boylet. (di cya gwapo, promis...)
anyway, mas nagtampo ang lolo nyo, ng malamnan ko na binigyan pala nya ng mga pasalubong yung iba namin kasama na tig iisa.
cguro, masyado lang ako nag expect kaya nasaktan ako....
saakin kasi, isa cya sa mga prayoridad ko kapag nagbibigay ako ng mga food sa office. kapag dumadating ang tatay ko galing ibang bansa cgurado may chocolates cya from me.

so yun nga nangyari... mula noon ay di ko na muna cya masyado kinikibo...
hanggang sa tingin ko ay napansin nya na iniiwasan ko cya.
ang hirap kapag dati mo ka-close tapos nakatampuhan mo... huhuhu!

dahil dun nag effort ang lola nyo na kausapin ako.
kagabi, kasama ko cya sa night duty nmin,
di ko naman cya dinedma, sinasagot ko naman cya kapag may tinatanong.
cguro kailangan ko pa muna ng more time para mawala sama ng loob ko sa kanya.

kaya mga ilang araw na din akong tahimik sa parmasya kapag ka-duty ko cya.
pinipilit ko na hwag na lang magsalita, bka kasi makasakit lang ako ng feelings ng iba.

"Whoever guards his mouth and his tongue keeps his soul from troubles." Proverbs 21:23


matagal nakong di nakakakain ng ulam na ito... LENGUA estofado.
sa parmasya, madami sa mga kasama ko ang di kumakain nito.
malinamnam at malambot ang laman nito...
pero kapag nalaman na galing sa dila ng baka ito, nandidiri sila...
cguro nasa pagluluto lang yan.

sa bahay d'best magluto ang nanay ko. wish ko lang? hwag ko na sana makagat ulit ang dila ko habang kumakain...
ang sakiiiiit kaya.
minsan, nagiging singaw! huhuhu...
magastos bumibili pa ng bactidol or betadine gargle para gumaling.

kaya alagaan natin ang ating mga dila.
importante ito di lang sa pagsasalita or pagkain.
dahil sa french kissing at kilitian ay masarap itong gamitin. hehehe..

bbbbbeeeeeeeeeehhhhhhhhhhh!!!!!!!!!!!!!!!

4 comments:

  1. Check out facebook.com/blogsngpinoy for d Top 3 blogs as of Feb 23. U can still make it to the Top 5! Hurry, ask ur friends to vote for ur blogs now!

    ReplyDelete
  2. Hello!

    We are Blogs Ng Pinoy, an online directory of blogs made by Pinoys worldwide. You registered with us before but somehow failed to link us back (or we can't seem to find our link back) here in your blog/website. In this regard, we're writing to inform you that a new and simpler link badge is now available at BNP. You may use it to link us to your website/blog.

    (NOTE: Linking BNP was a requirement when you first registered with us, failure to do so may result to your blog being

    removed from the listings).

    Best Regards,
    BNP
    blogsngpinoy.com

    ReplyDelete
  3. Hello,

    We regret to inform you that your blog has been removed from the listings because we cannot find our link in it. You may link BNP to your blog for it to be added to the listings again or you may also opt to resubmit a new form at the SUBMIT YOUR BLOG page instead. Kindly let us know once done by leaving a comment at the CONTACT US page.

    P.S. Link badges can be found at the BNP website.


    Thanks,
    BNP
    blogsngpinoy.com

    ReplyDelete
  4. Gusto mo ba ng online work?
    Earn while you enjoy time with your Family & Lovedones!
    Email me: tirada_uno_23@yahoo.com / tiradauno@gmail.com / n.helphelphelp@gmail.com
    Contact Number: 09465046302
    For more details, kindly visit http://www.unemployedpinoys.com/

    ReplyDelete